-- Advertisements --

Umabot na sa 60 percent ng ayuda mula sa national government ang naibigay sa mga pamilyang apektado ng enhanced community quarantine sa National Capital Region (NCR).

Sa kabila nito ay kumpiyansa ang Department of Interior and Local Government na karamihan sa mga local government units sa NCR ay maabot ang deadline ngayong agosto.

Wala naman anilang naitalang super spreader events sa kasagsagan nang pamamahagi ng ayuda.

Ayon kay DILG spokesperson Jonathan Malaya, mas systematic kasi aniya sa ngayon ang pamamahagi ng ayuda sa kumpara sa mga naunang pagkakataon.

Mrami kasi aniya sa mga LGUs ang gumamit ng e-payment sa pamamahagi ng ayuda, habang may ilan naman na nagsasagawa ng house-to-house distribution.