-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Wala ng buhay ng matagpuan ang isang 60-anyos na babae sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si alyas Dadang,may problema sa pag-iisip at residente ng Sitio Bunawan, Barangay Minapan, Tulunan North Cotabato.
Ayon sa kapatid ng biktima na si Emily De Juan Cumla na mag-isa lang nakatira sa kanyang kubo ang biktima.
Natagpuan ang bangkay ni Dadang sa ilog at nakababa na ang kanyang damit pang-ibaba at posibling ginahasa.
Agad namang nagresponde si Barangay Minapan Brgy Chairman Jonathan Alacapa at pinaalam sa pulisya ang pangyayari.
Sa imbestigasyon ng pulisya na tatlong araw ng patay ang biktima dahil nasa advance state of decomposition na ang bangkay nito at inaalam pa nila kung ito ay ginahasa.