-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ngayon ng mga awtoridad ang anim na person of interest sa pagpatay sa mamamahayag na si Percy Lapid.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Ibinunyag din ng Justice chief na isa sa nasa pangangalaga ng Philippine National Police at ng National Bureau of Investigation ay posibleng may kaugnayan sa biglaang pagkamatay ni Jun Villamor habang nasa New Bilibid Prison, na isa sa itinuturing na middleman sa pagpatay kay Lapid.

Subalit nilinaw ni Remulla na ang tatlong person of interest na magkapatid na sina Edmon Dimaculangan at Israel Dimaculangan at isang kilala bilang Orly/Orlando ay wala pa sa kustodiya ng mga awtoridad.

Gayunpaman ayon kay Remulla ang mahalaga ay nasa kanila ng kustodiya at ligtas ang mga binanggit ng kapatid ng nasawing middleman.

Magugunita na unang lumantad at lumapit ang kapatid na babae ng nasawing middleman kay Senator Raffy Tulfo kung saan kaniyang ibinunyag na mayroon siyang hawak na impromasyon mula sa kaniyang kapatid tungkol sa tatlong inmates, na inilagay na sa witness protection program, na kailangang maimbestigahan sakaling ito ay mamatay.