-- Advertisements --

Nagbigay ng libreng sakay ang pamahalaan gamit ang mga bus at truck mula sa Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Ports Authority (PPA) para sa mga mananakay na na-stranded dahil sa malakas na pag-ulan at malawakang pagbaha dala ng habagat.

Ang mga libreng sasakyan ay dadaan sa mga rutang Quiapo–Angono (Rizal), Quiapo–Fairview (Quezon City), at Lawton–Alabang (Muntinlupa City).

Ayon kay PPA Spokesperson Eunice Samonte, walang cut-off time ang libreng sakay at magpapatuloy lamang ito buong araw. Aniya, hangga’t kailangan ito ng mga mamamayan dahil sa pag-ulan at pagbaha lalo na para bukas, ipagpapatuloy lamang nila ito.

Tiniyak naman ni Department of Transportation Secretary Vince Dizon sa publiko na patuloy ang kanilang pagkilos upang maibsan ang hirap ng mga pasaherong naipit sa baha dulot ng malakas na pag-ulan, at matulungan silang makauwi nang ligtas at komportable.