Patay ang anim na katao matapos na sila ay pagbabarilin sa isang unibersidad sa Russia.

Base sa imbestigasyon ng mga otordad, pumasok ang armadong lalalki sa Perm State University at doon walang humpay na namaril.

-- Advertisement --

May ilang estudyante ang nagtago sa kanilang classroom habang ang iba ay tumakas sa pamamagitan ng talon sa kanilang bintana.

Naaresto ng mga otoridad ang suspek na nasugatan matapos na bahagyang manlaban sa mga kapulisan.

Isa rin umanong estudyante sa unibersidad ang suspek kung saan inaalam ng mga otoridad ang motibo nito sa pamamaril.

Itinakbo naman sa pagamutan ang nasa 28 na katao matapos na masugatan sa insidente.