Patay ang anim na pasahero ng eroplano matapos na ito ay bumagsak sa Texas.

Naganap ang insidente malapit sa Kerrville Municipal Airport kung saan nakatakda na sanang lumapag ang Beechcraft BE58 subalit ito ay biglang bumagsak.

Galing sa West Houston Airport ang twin-engine na eroplano.

Inaalam pa rin ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak.