-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpositibo sa COVID-19 ang anim na mga Pilipino sa bansang Israel.
Iniulat ni Dianne Panes, Bombo international correspondent sa Israel, kabilang sa mga tinamaan ng virus ang dalawang babaeng senior citizens at isang 28-anyos na lalaki.
Ayon kay Panes masuwerte namang nakarekober sa nakamamatay na virus ang isa sa senior citizen.
Inihayag din niya na hindi naman malubha ang kalagayan ng lima pang coronavirus patients.