-- Advertisements --
KORONADAL CITY – Anim na ang naitalang binawian ng buhay dahil sa dengue sa probinsiya ng South Cotabato.
Ito ang iniulat ni provincial mosquito borne disease coordinator Jose Baroquillo Jr.
Ayon kay Baroquillo, tumaas ng 24% ang kaso ng dengue sa lalawigan simula noong Enero 1 hanggang ngayong buwan ng Hunyo.
Sa katunayan, umabot na sa 728 ang naitatalang kaso sa probinsiya na mas mataas sa naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Una nang nagdeklara ng state of calamity ang dalawang barangays sa bayan ng Surallah dahil sa dengue outbreak.
Kaugnay nito, hinikayat ng opisyal ang mga mamayan na maging pro-active at sundin ang mga paraan sa paglilinis ng paligid upang maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng dengue ngayong taon.