BAGUIO CITY – Nakailista sa rehiyon Cordillera ng anim na kaso at dalawang recoveries ng COVID-19.

Sa datos ng Department of Health-Cordillera, nailista ang dalawang kaso ng COVID-19 sa siyudad nga Baguio.

Nagpositibo sa sakit ang 58-anyos na lalaki mula sa Bakakeng Norte at ang 22-anyos na babae na residente ng Loakan Liwanag.

Nailista rin ang tatlong kaso ng COVID-19 sa probinsia ng Benguet kung saan nagpositibo sa virus ang 36-anyos na lalaki mula sa Camp 3, Tuba, Benguet, 16-anyos na lalaki at 42-anyos na babae na parehong residente ng Betag, La Trinidad, Benguet.

Positibo rin sa COVID-19 ang isang 30-anyos na pulis mula sa Kalinga na may travel history sa Marikina.

Sa ngayon ay isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga COVID-19 patients.

Samantala, gumaling mula sa sakit ang dalawang COVID-19 patients sa probinsya ng Ifugao.