BACOLOD CITY – Patay ang isang anim na buwang sanggol sa Bacolod City matapos umanong malunod sa balde ng tubig.

Batay sa ulat, pasado alas-2:00 kaninang madaling araw nang malingat ang inang si Liana Mae Aloro at asawa nito matapos gumising ang kanilang anak at gumapang patungong balde na puno ng tubig.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang sanggol pero idineklara ring dead on arrival.