Arestado ang apat na kalalakihan at dalawang babae sa isinagawang drug buy-bust operation sa Tondo, Maynila.

Kabilang sa naaresto ang target ng operasyon na si alyas “EJ”.

Ayon kay Police Capt. Val Valencia, ng Jose Abad Santos Police, naaresto ang mga suspek matapos na makabili ng droga ang isang pulis na nagpanggap bilang buyer.

Naabutan ang limang katao na bumibili rin sa lugar at nakuha sa mga ito ang 8 sachet na naglalaman ng droga.