CAUAYAN CITY – Naitala ngayong araw sa Isabela ang 53 panibagong kaso ng COVID-19 habang 38 naman ang naka-recover.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, nasa 29 sa bagong kaso ang mula sa Santiago City, lima sa San Mariano, apat sa Ilagan City, tatlo sa Delfin Albano, tig-dadalawa sa lungsod ng Cauayan, bayan ng Cordon at Echague habang tig-iisa sa mga bayan ng Reina Mercedes, Burgos, Aurora, Ramon, Quirino at San Isidro.
Sa ngayon ay 422 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela na kinabibilangan ng siyam na returning overseas Filipinos, 13 ang non-authorized persons outside residence, 53 ang health worker, tatlong pulis habang 344 ang local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi mahalaga ang pupuntahan.