COVID 19 Tally October 24
-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 5,279 ang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas, na kasalukuyan ay may roon nang kabuuang bilang na 2,756,923.

Ayon sa Department of Health (DOH), umakyat sa 60,957 ang bilang sa ngayon ng mga nagpapagaling pa sa COVID-19.

Karamihan o 77.5 percent ng bilang na ito ay mild cases, 9.20 percent ang moderate, 6.1 percent ang asymptomatic, 5.1 percent ang severe, at 2.1 percent naman ang critical.

Sa ngayon, 2,654,173 na ang recoveries makalipas na 7,312 pang pasyente ang gumaling sa sakit.

Aabot naman sa 208 ang karagdagang bilang ng mga nasawi, dahilan para umakyat ang death toll sa 41,793.

-- Advertisement --