Mas maraming OFWs pa ang asahang makakabalik sa Pilipinas sa susunod na linggo.
Ito ay kasunod na rin ng pagkakasapinal ng plano na makabalik sa bansa ang dagdag na 50 OFWs kung saan 23 ang inaasahang darating sa bansa sa araw ng Lunes, Nov 6.
Karagdagang 27 na OFWs naman ang inaasahang darating sa bansa sa Nov. 7, araw ng Martes.
Ang dalawang magkasunod na batch ng mga OFWs ay ang pang-anim at pang-pitong batch na ng mga overseas Filipinos na nakabase sa Israel na uuwi ng bansa simula mag-umpisa ang kaguluhan sa naturang bansa.
Sa kasalukuyan, mayroong 178 repatriation request ang natanggap ng Embahada ng Pilipinas mula sa mga OFWs kung saan 119 na sa kanila ang napauwi dito sa bansa.
Samantala, una na ring nakatanggap ang pamahalaan ng 185 rapatriation request mula sa mga OFWs sa Lebanon.
Sampu na sa kanila ang naka-uwi sa Pilipinas kung saan unang dumating noong nakaraang sabado ang apat habang kahapon ay anim na OFWs din ang nakabalik sa bansa.