Inihayag ng Bureau of Customs (BOC), na hindi bababa sa limang partido ang opisyal nang nagparehistro para sa pag-bidding ng 7 luxury vehicles ng mag-asawang Discaya, na ilegal na na-import sa Pilipinas.
Ayon kay BOC Deputy Chief of Staff, Chris Bendijo, ang auction ay ilipat sa Nobyembre 20 dahil sa mga nagdaang kalamidad.
Bawat sasakyan ay may presyong P5 million hanggang P45 million.
Sinabi pa ni Bendijo na kung walang bidder, may mga gagawin ang ahensya tulad ng re-bidding, pag-aadjust ng floor price, o direktang negosasyon sa mga interesadong mamimili.
Habang ang proceeds ng auction ay mapupunta sa forfeiture fund ng BOC at iri-remit sa national treasury, bilang pagbalik sa pondo ng bayan.
Magugunitang noong imbestigasyon ng Senado ang mga sasakyan ay ilegal na na-import, kung saan ang dokumento ay pinroseso sa Port of Davao, pero ang aktwal na unit ay dumating sa Batangas Port.
















