Isinapubliko na ng isang American-based laboratory ang isang portable test na kayang madetermina kung may COVID-19 ang isang tao sa loob lamang ng limang minuto.

Sa pahayag ng Abbott Laboratories, nagbigay na raw ang US Food and Drug Administration (FDA) ng emergency authorization para magamit na ang test ng mga health care providers sa susunod na linggo.

Ang test, na kasukat ng isang maliit na toaster at gumagamit ng molecular technology, ay kaya ring maipakita ang negative results sa loob ng 13 minuto.

Maaari rin umanong magamit sa labas ng ospital ang test, partikular sa mga itinuturing na outbreak hotspots.

Nilinaw naman ng kompanya na hindi pa cleared sa FDA ang test, at binigyan lamang ng otorisasyon para sa emergency use ng mga aprubadong abs at health care providers.