Pinigilan ng Los Angeles Clippers ang pamamayagpag ng Washington Wizards na limang game winning streak.

Ito ay makaraang ilampaso sa score na 135-116.

Muling bumida sa opensa sina Kawhi Leonard na may 32 at si Paul George ay nagtala ng 30 points bago nawala sa court na may pitong minuto ang nalalabi dahil sa toe injury.

Clippers kawhi Leonard LA

Sa third quarter din, ang mag-tandem na sina Leonard at George ang nagpasok ng unang walong puntos para sa LA (23-10).

Malaki naman ang panghihinayang ng Wizards (11-18) sa naturang kabiguan lalo na at si Bradley Beal, ang NBA leading scorer sa 32.9 points per game, ay tumipon ng 28 points at 10 assists.

-- Advertisement --

Habang si Russell Westbrook ay nagtapos sa 20 points, 10 assists at nine rebounds.

Samantala ang next game ng Wizards ay bibisita sa Denver Nuggets sa Biyernes.

Ang Clippers naman ay haharapin ang Memphis Grizzlies.