CENTRAL MINDANAO – Isang Deputy Commander at apat na mga myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang sumuko sa militar sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng 6th Infantry (Kampilan) Division na sumuko ang mga terorista sa tropa ng 90th Infantry Battalion Philippine Army at sa lokal na pamahalaan sa bayan ng Talitay Maguindanao.

Dala-dala ng mga rebelde sa kanilang pagsuko ang dalawang garand rifles, isang kalibre.45 na pistola, isang RPG, isang locally made na 60 mm mortar at mga bala.

Napilitan ang limang BIFF na sumuko dahil sa pinaigting na pagtugis ng militar at pulisya sa mga rebelde sa Maguindanao.

Ang mga sumukong rebelde ay makakatanggap ng tulong pinasyal at livelihood assistance mula sa lokal na pamahalaan ng Talitay Maguindanao.

Nanawagan si 6th ID Chief,Major General Diosdado Carreon sa mga rebelde na nagtatago sa SPMS Box at Liguasan Delta na magbalik loob na sa gobyerno.