Yumanig ang isang lindol sa bahaging hilaga ng Luzon nitong hapon ng Hulyo 20, 2025, sa ganap na alas-1:45 PM.
Ayon sa Earthquake Information No. 1 ng PHIVOLCS, naitala ang lindol sa lakas na magnitude 5.8, may lalim na 10 kilometro, at may epicenter sa 14 kilometro hilaga 15° kanluran ng Calayan, Cagayan.
Batay sa instrumental intensity readings, naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III: Claveria, Cagayan (maaaring makaramdam ang mga residente ng paggalaw ng mga nakasabit na bagay at maaring maramdaman ng ilang nasa loob ng gusali).
Intensity II: Basco, Batanes (mahina ngunit mararamdaman pa rin ng ilang tao, lalo na sa matataas na palapag).
Intensity I: Peñablanca, Cagayan (halos hindi maramdaman maliban sa ilang sensitibong instrumento).
Ang nasabing lindol ay mababaw, kaya’t inaasahang naramdaman sa mas malawak na lugar bagamat hindi malakas.
Sa ngayon, wala pang naiulat na pinsala o nasaktan kaugnay ng naturang pagyanig.
Patuloy ang pagmo-monitor ng mga update upang matiyak kung may kasunod pa itong pagyanig.