leyte quake

TACLOBAN CITY – Naitala ang 5.7 magnitude na lindol na tumama ang sentro sa bayan ng Capoocan sa Leyte bandang alas-5:20 nitong umaga.

Natukoy ng Phivolcs na ang sentro ng lindol sa 8 kms northwest of Capoocan, Leyte.

Tumagal naman ng ilang segundo ang naturang pagyanig.

Ayon kay Mark Timbal, inaalam pa ng Office of Civil Defense (OCD-8) kung may danyos na iniwan ang naturang insidente.

Kabilang pa sa mga reported intensities ayon sa Phivolcs:
Intensity V – Tacloban City and Pastrana, Leyte
Intensity IV – Palo, Leyte

-- Advertisement --

Instrumental Intensities:
Intensity IV – Ormoc City; Naval, Biliran; Borongan City
Intensity II – Bago City
Intensity I – Masbate City; Roxas City, Cebu City