-- Advertisements --

Niyaning ng Magnitude 5.3 na lindol ang bayan ng Burgos, Surigao del Norte kaninang alas-3:18 ng hapon.

Batay sa report ng Phivolcs (Philippine Institute of Volcanology and Seismology), may lalim na 26-kilometers ang tectonic na origin ng lindol.

Naitala ang Intensity 3 sa Surigao City at bayan ng Rosario, Agusan del Sur.

Intensity 2 naman sa Borongan City, Eastern Samar; at Gingoog City, Misamis Oriental.

Habang Intensity 1 sa Catbalogan, Samar.

Ayon sa Phivolcs, asahan ang aftershocks matapos ang naitalang lindol.