-- Advertisements --

Isang malawakang wildfire ang sumiklab sa rehiyon ng Aude sa katimugang France malapit sa border ng Spain, na tumupok sa tinatayang 4,500 ektarya ng kagubatan.

Ayon sa fire brigade, mahigit 1,250 bumbero ang ipinadala upang apulahin ang nagngangalit na apoy.

Ayon kay Colonel Alexandre Jouassard ng civil protection agency, patuloy ang kanilang operasyon upang makontrol ang sunog.

Kinumpirma naman ni French President Emmanuel Macron na lahat ng ahensya ng bansa ay nakahanda upang tumugon sa insidente.

Dalawang tao naman ang naiulat na nasugatan, kabilang ang isa na nasa malubhang kalagayan, ayon kay Deputy Prefect Lucie Rosech ng Aude.