-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si French Prime Minister Sebastien Lecornu ilang oras matapos na ipinakilala nito ang kaniyang bagong gabinete.
Si Lecornu ay kaalyado ni French President Emmanuel Macron kung saan hindi pa ito nagtatagal ng apat na linggo sa opisina.
Siya na ang itinuturing ngayon na Prime Minister may maikling panunungkulan mula ng magsimula ang ika-limang republika.
Sa loob ng halos dalawang taon ay mayroong limang Prime Ministers na ang nagbitiw sa kanilang puwesto.
Umani kasi ng batikos si Lecornu sa mga itinalaga nitong miyembro ng gabinete kaya napilitan siyang magbitiw sa puwesto.