-- Advertisements --
Plano ng Ukraine na bumili ng nasa 100 na fighter jets sa France.
Nasa France kasi si Ukrainian President Volodymyr Zelensky kung saan personal nitong nakapulong si French President Emmanuel Macron.
Kasama rin na bibilhin ay ang walong air defense system at anim na launchers.
Itinuturing ni Zelensky na isang makasaysayang kasunduan ang ginawang pulong niya kay Macron.
Sinabi naman ni Macron na pabibilisan nila ang pagdeliver ng mga drones, interceptor drones at guided bombs.
Ito na ang pang-siyam na pagbisita ni Macron sa France mula ng magsimula ang pag-atake ng Russia noong 2022.
















