-- Advertisements --

Estimated reading time: 2 minutes

Pinag-utos na ngayon ng Office of the Ombudsman ang dismissal ng 45 personnel ng Bureau of Immigration (BI) dahil sa mga kasong administratibong kinahaharap ng mga ito na may kaugnayan sa pastillas scam para iligal na makapasok ang mga Chinese national dito sa Pilipinas.

Sa 143-page consolidated decision, sinabi ng Ombudsman na “administratively liable” ang mga BI officilas dahil sa grave misconduct prejudicial to the best interest of the service.

Base pa sa desisyon ng Ombudsman, ang lahat daw nang wala na sa serbisyo bago inilabas ang naturang desisyon ay hahrap din sa parehong parusa o katumbas ng isang taong sahod.

Pero ibinasura naman ng Ombudsman ang mga kaso laban sa 40 employees ng BI dahil umano sa kakulanngan ng substantial evidence.

Lima sa mga nabasurang kaso ay dahil sa lack of jurisdiction.

Kung maalala, una rito ay naghain ang Ombudsman ng graft charges laban sa 42 BI personnel dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa pastillas scam.

Lumabas noon sa mga ulat na nakipagsabwatan si dating Deputy Commission Marc Mariñas ng Port Operations Division sa ibang mga immigration personnel para maisagawa ang naturang modus.

Partikular umanong nakipagsabwatan si Mariñas kay Liya Wu ng Empire International Travel and Tours para sa pagsamantalahan ang mga Chinese nationals.

Sinasabing aabot sa P10,000 ang hinihinging cash sa bawat pasahero para makapasok sa bansa at nakapagbulsa ang mga ito ng P1.43 million na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Ang mga cash na nakokolekta ay binabalot sa sobre na parang pastillas kaya naman tinawag itong pastillas scheme.