Nadadagdagan daw ang naitatalang aktibidad ng Kanlaon Volcano.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nasa 41 na raw na volcanic quakes ang naitala sa Mt. Kanlaon mula noong Hunyo.
Base sa Kanlaon Volcano Network (KVN), ang tremors ay kinabibilangan ng pitong mabababaw na tornillo signals na mayroong volcanic gas movement sa mga fractures na matatagpuan sa upper volcanic slopes.
Ang ground deformation data mula sa nagpapatuloy na GPS measurements ay makikitang mayroong short-term slight inflation ng lower at mid slopes mula pa noong Enero ngayong taon.
“These are consistent with continuous electronic tilt recording of inflation of southeastern flanks since mid of March 2022. The increased seismic activity and short-term ground deformation are likely caused by the shallow hydrothermal processes beneath the edifice that could generate phreatic or steam-driven eruptions from the summit crater,” ayon sa Phivolcs.
Sa ngayon, nasa Alert Level 1 ang Kanlaon Volcano.
Ibig sabihin nito na ang bulkan ay nasa low level of unrest.
Nagbabala naman ang Philvocs sa mga local government units (LGUs) at ang publiko na mahigpit na ipagbabawal ang four-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ).
Ito ay dahil na rin sa posibilidad na magkaroon ng biglaan at hazardous steam-driven o phreatic eruptions.
Hinimok din nito ang civil aviation authorities na abisuhan ang mga pilotong lumipad malapit sa summit ng bulkan.