-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi bababa sa 4,000 companies sa bansa ang nag-report na tinamaan ng COVID-19 ang kanilang mga empleyado.

Ayon kay Labor Assistant Secretary Maria Teresita Cucuenco, sa loob ng 48,000 establishments sa buong bansa, nasa 4,000 ng kompaniya ang apektado ng deadly virus.

Karamihan umano sa mga kompaniyang ito ay nagmula sa services sector, manufacturing, wholesale/retail trade, finance/insurance at construction sectors.

Dagdag pa nito na “on track” ang DOLE sa pagsasagawa ng physical inspeksiyon sa 75,000 na mga establisyemento sa loob ng isang taon.

Aniya, ang kanilang kagawaran ay nakapagsagawa na ng physical inspection sa 72,000 establishments.

Na-isyuhan na ron ng safety seal ng Labor Department ang 292 establishments kung saan karamihan nito ay nagmula sa NCR, Region 4A at Region 3.