Mistulang nakapaghiganti ang Milwaukee Bucks sa rematch laban sa defending champion na Toronto Raptors, 108-97.

Kung maaalala noong nakaraang playoffs dinispatsa ng Raptors and Pelicans.

Aminado si Giannis Antetokounmpo na sariwa pa rin sa kanilang kaisipan ang masaklap na pangyayari.

Sa pagkakataong ito ibinuhos ni Giannis ang halos triple double gamit ang 19 points, 19 rebounds at eight assists.

Sa panig ng Raptors nanguna si Pascal Siakam sa 22 points.

Samantala sa ibang game, hindi umubra ang pwersa ng bagitong si Zion Williamson ng New Orleans Pelicans sa tambalan nina LeBron James at Anthony Davis.

Kumamada ng 40 big points at eights assists si James upang punan ang inalat sa opensa ni Davis.

Sa kampo ng Pelican na dating team ni Davis nagtala si Zion ng 29 points at six rebounds.

Sa kabila nang pagkatalo nina Williamson todo papuri naman sina LeBron at Davis sa inilaro nito na tiyak umanong lalo pang gagaling sa hinaharap.