Nasa 40 na mga dating preso sa Puerto Prinsesa, Palawan na pinalaya dahil sa good conduct time allowance (GCTA) na boluntaryong sumuko, ang tumakas mula sa police custody.

Ito ang kinumpirma ni Levy Evangelista tagapagsalita ng Iwahig Prison and Penal Farm.

Sinabi ni Evangelista, Sabado ng hapon kahapon ng tumakas ang mga dating inmates gamit ang ibat ibang exit points ng kulungan.

Aniya, nais ng umuwi sa kani-kanilang mga tahanan ang mga dating preso, pero hinimok na maghintay dahil sa isinasagawang proseso ng Department of Justice (DOJ).

Giit nito, nawalan na kasi ng pasensiya ang mga dating preso kaya ginawa nilang tumakas.

Sa ngayon, kanilang hihimukin muli ang mga tumakas na dating preso na boluntaryong sumuko muli ng sa gayon ang kanilang release process ay magiging legal.