Umabot sa apat (4) ang nasugatan matapos bumagsak ang debris ng missile drone sa The Fairmont Hotel, Palm Jumeirah Dubai noong Sabado ng gabi.
Ayon sa mga awtoridad bumagsak ang ilang debris ng drone matapos itong mapigilan ng United Arab Emirates (UAE) defense forces na dahilan naman para masunog ang naturang hotel.
Naganap ang insidente kasunod ng retaliatory missile attacks ng Iran sa Gulf Arab states bilang tugon sa pag-atake ng U.S. at Israel laban sa Iran.
Agad na tumugon mga awtoridad matapos marinig ang malakas na pagsabog at makita ang malaking apoy sa hotel.
“Dubai Civil Defence has confirmed that the resulting fire is now under control. Four individuals sustained injuries and have been transferred to medical facilities,” ayon sa pahayag ng mga awtoridad.
Sa kabila nito pinayuhan ng mga awtoridad ang mamayan ng Lungsod na manatiling ligtas at manatiling nakatutok sa ilalabas na abiso habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.
















