-- Advertisements --

Nasunog ang The Fairmont Hotel sa The Palm Jumeirah sa Dubai noong hapon ng Sabado, Peb. 28, matapos ang isinagawang missile attack ng Iran.

Kinumpirma ito ng Dubai Media Office kung saan agad nilang tinugunan ang emergency services sa isang “incident” sa Palm Jumeirah area.

Ang sunog ay sumunod sa anunsyo ni U.S. President Donald Trump na nagsagawa ang United States at Israel ng pag-atake laban sa Iran.

Bilang tugon, naglunsad ng missile retaliation ang Iran, na umabot sa Israel at ilang bansa sa Middle East.

Sa Dubai, iniulat ang takot ng mga tao upang magtago matapos marinig ang malakas na tunog ng siren. Sa Abu Dhabi, iniulat ang isang nasawi matapos matapos mabagsakan ng debris sa isang residential area.

Bagama’t hindi kasali ang Britain sa pag-atake sa Iran, naglabas naman ito ng advisory sa mga British nationals sa ilang bahagi ng Middle East na “shelter in place.”

Sinabi ni U.K. Prime Minister Keir Starmer na ang mga British aircraft sa rehiyon ay nasa himpapawid bilang bahagi ng “co-ordinated regional defensive operations to protect our people, our interests and our allies.”

Kasabay nito, sa isang joint statement kasama ang mga lider ng France at Germany, kinondena ni Starmer ang indiscriminate retaliation ng Iran at nanawagan sa Tehran na humanap ng negotiated solution.

Ang tensyon sa rehiyon ay tumindi matapos ang pag-deploy ng US ng fleet of warships at aircraft sa Persian Gulf, kasunod ng nabigong talks noong Huwebes tungkol sa nuclear program ng Iran.

Sa kanyang video post sa Truth Social, sinabi ni Trump na ang pag-atake ay “a noble mission” at iginiit na ang Iran ay patuloy sa kanilang nuclear program at gumagawa ng long-range missiles na maaaring mag-bigay banta sa Europa.