TUGUEGARAO CITY – Posibleng overloading umano ang dahilan kaya nahulog ang isang jeep sa ilalim ng tulay sa Kabugao, Apayao.

Sinabi ni Lt. Ana Marie Lopez, hepe ng PNP Kabugao, puno ng sako-sakong mais ang nasabing jeep kaya nasa top load ang limang sakay nito.

Ayon sa kanya, nawalan umano ng preno sa pababang bahagi ng lansangan ng Barangay Masimut ang jeep hanggang sa dumiretso ito sa ilalim ng tulay na may lalim na 15 metro.

Dead on the spot ang driver na si Ropselo Udaundo na nasa loob ng sasakyan habang dead on arrival sa ospital ang mag-amang sina Catalino at Jeric Jally at Laylay Bagyao.

Nagpapagaling naman sa ospital sa Tuguegarao City ang dalawang sugatan.

Sinabi pa ni Lopez na nasa impluensiya ng nakalalasing na inumin ang driver.