CAGAYAN DE ORO CITY – Nakatakdang ipagkatiwala na sa militar sa pulisya ang apat na aktibong miyembro ng rebeldeng New People’s Army na bahagi sa mga umano’y naghahasik kaguluhan sa ilang bayan na sakop ng Misamis Oriental.
Ito ay matapos nai-dokumento na ng 58th IB,Philippine Army ang pagka-aresto ng mga suspek alinsunod sa mga ibinulgar ng dalawa pang NPA members na unang sumuko ilang araw makalipas nang maka-engkuwentro nila sa bayan ng Salay ng lalawigan.
Sinabi sa Bombo Radyo ni 58th IB commander Lt Col Ricky Canatoy na kabilang sa mga naaresto ay sina Jeffrey Macabecha alyas Jelo;Nelson Berito alyas Lorence; Marnie Berito alyas Edward at Marlo Acosta alyas Jonathan na lahat full members ng Platoon Cherry Mobile, Huawei, Sub-Regional Committee 1, North Central Mindanao Regional Command.
Nakumpiska rin ng militar mula sa mga suspek ang AK-47 rifle; dalawang .30 caliber carbines at 15 rounds ng .40mm grenade launcher ammunitions.
Inihayag ni Canatoy na mismo na ang Misamis Oriental PNP ang maghahain ng mga kaukulang kaso laban sa mga naarestong mga rebelde.
Una rito, limang baril din ang nakubkob ng militar matapos isinumbong ng mga sumuko na si alyas Juno at alyas Yesa ang pinaglibingan nila nito matapos nagkakahiwalay nang magka-engkuwentro ang dalawang panig sa Salay noong Hunyo 17,2021.