-- Advertisements --
Ligtas ng nakauwi sa Pilipinas ang apat na Filipino crewmen ng barko na inatake ng mga Houthi rebels sa Red Sea noong nakaraang buwan.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) na dumating ang apat na mga crewmen nitong Linggo.
Kabilang sila sa ikalawang batch ng pinalikas matapos na atakihin ng Houthi rebels ang kanilang mga M/V Minoan Courage.
Magugunitang nakauwi na sa bansa ang unang batch ng mga seafarers nitong Oktubre 9 habang ang 10 iba pang seafarers ay sa mga susunod na araw.
Nakatanggap ang mga ito sa ng tulong mula sa DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at sasailalim sa psychiatic evaluation.