DAVAO CITY – Umakyat na sa apat ang bilang ng mga namatay sa nangyaring magnitude 6.3 na lindol, mahigit isang lingo na ang nakakaraan ito ay matapos nalagutan na rin ng kanyang buhay ang isa pang biktima na una ng dinala sa Southern Medical Center (SPMC) sa lungsod ng Davao.

Una nang nakilala ang biktima na si Rosita Quilla, 50, residente ng Magsaysay sa Davao del Sur.

Hindi na nakayanan ng biktima ang matinding injury na kanyang natamo matapos mahulugan ng hallow blocks sa kagsagsagan ng pagyanig habang palabas na ito sa bahay ng kanyang kapatid.

Maliban kay Quilla, una ng nakapagtala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng dalawang namatay sa Brgy. Malawanit Magsaysay Davao del Sur kung saan natabunan ang mag-ina habang isang dalawang taong gulang na bata naman ang namatay sa San Isidro sa nasabing lalawigan.