Naniniwala ang militar na pananakot lamang ang motibo sa serye ng pagsabog sa Central Mindanao.
Ito ang naging assessment ni 6th Infantry Division commander M/Gen. Cirilito Sobejana sa panayam ng Bombo Radyo.
Ayon kay Sobejana, walang nasugatan at walang napinsalang properties sa nangyaring pagsabog.
Pero tiniyak ni Sobejana na hindi magtatagumpay ang mga ito dahil sisiguraduhin ng militar na makakaboto ang mga tao at mahigpit nilang minomonitor ang mga political rivals na pinaniniwalaang nasa likod ng pagsabog.
Nabatid na “on-time” namang nagsimula ang botohan sa Central Mindanao.
Samantala, walang dapat pangambahan ang publiko sa nangyaring pagsabog na naganap kagabi sa Cotabato City at sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Apela ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo sa mga botante sa mga lugar na ito, na ‘wag magpatakot at ituloy ang pagboto ngayong araw.
Tungkol naman sa pangalawang pagsabog sa Datu Odin Sinsuat ngayong umaga lang, sinabi ni Arevalo na nakatutok sa insidente si Sobejana.
Tiniyak pa ni Arevalo na ang AFP at Philippine National Police ay “on top of the situation.”