GENERAL SANTOS CITY – Sumuko sa mga otoridad ang 21 miyembro ng New Peoples Army (NPA) kasama ang apat na sub-commanders bitbit ang mga matataas na kalibre ng baril at mga pampasabog.
Ayon kay PLt. Col. Lino Capellan, spokesperson ng Police Regional Office (PRO)-12, kamakailan nang ginawa ang presentasyon sa mga ito sa harapan ng mga opisyal, alinsunod sa programang “Kapwa Ko, Sagot Ko” na idinaos sa Barangay Kalkam ng bayan ng Tupi, at Brgy. Lambingi, Banga, South Cotabato.
Sinabi ni Capellan, ang mga rebel returnees ay galing sa Roxas Range at West Musa company ng Guerilla Front 72 at GF 73 sa pamumuno nina Benancio Ulaman Julan ng Platoon West, kasama ang Yunit militia nina Ervin Saling Ferrer, Jemmy Biolanda Magbanua, at Hasan Pagayao Saling kasama ng 17 pang myembro.
Apat na shotgun, M2 carbine rifle, sari-saring pampasabog at mga bala ang na-turn over sabay sa pagpailalim sa mga ito sa E-CLIP program ng gobyerno.