Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na Norwegian nationals na na-stranded sa kanilang yate na SY Nora Simrad matapos mag-drift sa katubigan ng Catanduanes noong Sabado, Mayo 17.
Ayon sa PCG, natanggap nila ang isang distress call at agad na nagsagawa ng operasyon upang mahanap ang yate na di nagre-response sa kanilang radyo. Matapos ang ilang koordinasyon, nakipag-ugnayan ang Coast Guard District Bicol sa Philippine Air Force para sa aerial surveillance, na siyang nagpatunay sa lokasyon ng yate.
Agad ding ipinadala ang tugboat na M/T Iriga mula sa Legazpi Port at ang isang Deployable Response Team upang magbigay ng tulong at i-tow ang yate papuntang Catanduanes Port.
Pagdating sa pantalan, isinailalim sa medical evaluation ang mga crew at napatunayan silang nasa mabuting kalusugan.
Samantalan, ligtas na naibalik ang mga Norwegian nationals.