LAOAG CITY – Hangad umano ni Senator-elect Imee Marcos na magsilbi sa apat na komite sa pag-upo niya sa Senado.

Ito aniya ay ang committee on social welfare, committee on local government, committee on agriculture at committee on finance.

Aniya, gusto niyang maging chairman ng committee on social welfare at local government habang hangad naman niya na maging vice chairman sa committee on agriculture at committee on finance.

Paliwanag niya, marami siyang gustong gawin para sa committee on social welfare dahil sa anti-poverty record niya at sa committee on local government dahil maraming siyang pangako sa mga LGUs at mga barangay na dapat niyang tuparin.

Samantala, pinuna pa ni Marcos ang walang humpay na pagsusulong ng tax sa tabako samantalang ang cock fighting at gambling ay wala naman daw tax, pati na ang alcohol at iba pang inumin.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here