BUTUAN CITY – Pinangunahan nina Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, Health Secretary Francisco Duque III, Defense Secretary Delfin Lorenzana at Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Carlito Galvez Jr., ang pamimigay ng livelihood assistance sa mga dating rebelde matapos bumalik sa gobyerno.
Kasama si Agusan del Norte 2nd District Representative Maria Angelica Rosedell Amante- Matba at mga local chief executives, binigyan nila ng livelihood assistance ang 33 mga former rebels na qualified sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP).
Sa panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihyag ni Major Francisco Garello, Jr., Civil-Military Operations (CMO) Officer ng 402nd Brigade, Philippine Army, na sa nasabing bilang, 26 sa mga ito ay mula sa Agusan del Norte at 7 naman sa Butuan City.
Masayang-masaya naman ang mga dating rebelde lalo na‘t matagal na nila itong inantay matapos ma-antala dahil sa COVID-19 pandemic.
Napa-usapan din ang COVID-19 situation sa rehiyon at kung ano ang gagawin ng mga regional leaders upang mapagpatuloy ang kampanya ng gobyerno na puksain ang local communist armed conflict at nang sa gayo’y mapagpatuloy ang kampanya sa gitna ng pandemya.