Nagnegatibo sa coronavirus disease 2019 o COVID-19 ang apat na cabinet officials ng bansa.

Matapos ang isinagawang pagsusuri kina Executive Secretary Salvador Medialdea, Transportation Secretrary Arthur Tugade, Finance Secretary Carlos Dominguez at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar ay nagnegatibo ang mga ito.

Sinabi ni Tugade na matibay ang mga Filipino at tuloy ang kanilang trabaho habang ayon naman kay Medialdea ay magiging maingat na lamang sila.

Magugunitang boluntaryong sumailalim ang mga ito sa quarantine matapos na makasalamuha nila ang nagpositibo sa virus noong Marso 5.