-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nagsasagawa na ng masusing contact tracing at disinfection ang Police Regional Office-12 (PNP) matapos nakapagtala sila ng mga positibong kaso ng covid-19.

Ito ay matapos nagpositibo sa swab testing na isinagawa ang apat na mga police trainees bago ang isinagawang oathtaking noong nakaraang linggo.

Ayon kay PNP-12 spokesperson Lt. Col. Lino Capellan, kasalukuyan na ngayong nasa isolation facility sa General Santos LGU ang naturang mga trainees.

Habang 29 naman ang naka-quarantine sa Regional Training Center ng PNP-12 na nakasalamuha umano ng mga ito.

Tiniyak naman ni Capellan na mayroon silang reserve force na nagsisilbing augmentation force kapag may mga pulis na sasailalim sa quarantine dahil sa covid-19.