-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Lomobo pa ang bilang ng mga terorista na sumuko sa mga otoridad sa lalawigan ng Maguindanao.

Ang mga rebelde ay mga tauhan ni Kumander Kagui Karialan ng Bangsamoto Islamic Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction) na nagmula sa bayan ng Shariff Aguak at Ampatuan, Maguindanao.

Dala ng apat na BIFF sa kanilang pagsuko sa militar at pulisya ang mga matataas na uri ng armas, mga pampasabog, mga bala at magasin.

Nagpaabot naman ng paunang tulong sina Ampatuan Mayor Baileah Sangki at Shariff Aguak Mayor Engr Marop Ampatuan sa apat na mga rebelde.

Matatandaan na maraming BIFF na ang sumuko na rin sa pulisya, 6th Infantry (Kampilan) Division lalo na sa Joint Task Force Central na pinamumunuan ni M/Gen. Juvymax Uy na gusto nang magbagong buhay, makiisa sa sinusulong na kapayapaan at kaunlaran ng BARMM government.

-- Advertisement --