-- Advertisements --

Pumalo sa $4.2 billion US dollar ang halaga ng investment agreement ang naselyuhan ni Pangulong Bongbong Marcos, matapos ang pakikipag pulong nito sa mga Arab business leaders sa sidelines ng ASEAN-GCC summit.

Kabilang dito ang USD 120 million agreement sa pagitan ng Al Rushaid Petroleum Investment Company, Samsung Engineering NEC Co. Ltd. at EEI Corp. sa Pilipinas para sa construction export services.

Naselyuhan din ang kasunduan sa pagitan ng Al-Jeer Human Resources Company o ARCO kasama ang Association of Philippine Licensed Agencies para sa human resource services agreement na nagkakahalaga ng $3.7 billion.

Nasa $191 million USD din ang nalagdaang investment agreement ng Maharah Human Resources Company sa Philippines’ Staffhouse International Resources Corporation at E-GMP International Corporation para rin sa human resource services.

Kinilala naman ni Pangulong Marcos ang mahahalagang kontribusyon ng mga kumpanyang nakibahagi sa pagsisikap na palakasin ang ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Saudi Arabia.

Ang GCC countries ang nagsisilbing tahanan ng mahigit isang milyong Filipino Overseas Workers.