MANILA – Sa ikatlong sunod na araw, muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng higit 3,000 bagong kaso ng COVID-19.
BREAKING: DOH reports 3,276 new COVID-19 cases. Total infection increases to 594,412.
— Christian Yosores (@chrisyosores) March 7, 2021
7 labs weren't able to submit their yesterday. | @BomboRadyoNews pic.twitter.com/v4uKONsazt
Ngayong araw ng Linggo, March 7, nag-ulat ang ahensya ng 3,276 new cases. Kaya umakyat pa ang total sa 594,412.
“7 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS) on March 6, 2021.”
Bahagyang nabawasan ang total active cases o bilang ng mga nagpapagaling pang pasyente na ngayon ay nasa 36,043 mula sa higit 43,000 kahapon.
Bunga ito ng time-based tagging na “Oplan Recovery,” na nagtala naman ng 10,516 na bagong gumaling. Umakyat na sa 545,853 ang total recoveries.
Nasa 94.8% pa ang mga mild at asymptomatic cases. Mayroon namang 2.1% severe, 2.2% critical, at 0.91% na moderate cases.
Samantalang 51 ang bagong nai-ulat na namatay para sa 12,516 na total deaths.
“2 duplicates were removed from the total case count.”
“Moreover, 13 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation.”