-- Advertisements --
Balik muna sa online ang karamihang aktibidad ng Senado.
Kasunod yan ng pagpositibo sa COVID-19 ng nasa 39 na staff ng mataas na kapulungan ng Kongreso.
Maliban dito, may 168 na iba pang naka-quarantine makaraang ma-expose sa mga kasamahang infected ng nasabing sakit.
Ayon kay Senate President Tito Sotto, naghain ng rekomindasyon ang Medical-Dental Bureau (MDB) na mula sa 50 percent na pumupunta ng personal, gawin muna itong 25 percent.
Sa kabila nito, tuloy pa rin ang mahahalagang function ng Senado, kasama na ang hearings at paghimay sa 2022 P5.024 trillion proposed national budget.