Sugatan ang 37 mga kabataan at dalawang may edad na matapos na sila ay pagsasaksakin sa isang elementary school sa southern China.

Naganap ang insidente sa Cangwu county sa southern Guangxi Zhuang Autonomous Region kung saan dinala na sa pagamutan ang 39 na biktima na nagtamo ng bahagyang sugat sa katawan.

Nasa edad 6-12 anyos ang mga nasugatang biktima.

Naaresto agad naman ang isang suspek na base sa imbestigasyon ay isang guardiya ng nabanggit na paaralan.