Reading Time: 1 minute
Kyoto
Kyoto

Pumalo na sa 33 katao ang patay sa naganap na sunog sa animation studio sa Kyoto City, Japan.

Naaresto naman ng mga kapulisan ang isang 41-anyos na lalaki na siyang pumasok sa studio at nag-spray ng petrol bago ito nanunog.

Ang Kyoto Animation o kilala bilang KyoAni ay sikat sa paggawa ng mga pelikula at graphic novels sa bansa.

Nagpaabot na ng pakikiramay si Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa mga pamilya ng nasawi.

Inaalam pa ng mga otoridad ang motibo ng suspek sa pagsunog sa nasabing studio.