-- Advertisements --

NPA1 1

Ipinagdiriwang ng 32 hardcore red fighters ng CPP NPA ang kanilang kalayaan ngayong araw matapos boluntaryong sumuko sa PNP sa Agusan del Norte, kasabay ng paggunita ng ika-52nd founding anniversary ng komunistang grupo.


Malugod na tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang 32 fighters ng CPP NPA NDF na kinabibilangan ng squad leaders, militia ng bayan at mass supporters ng CPP NPA sa ibat ibang bahagi ng Agusan del Norte.

Isinagawa ang isang seremonya sa Butuan City kung saan isinuko ng mga rebel returnees ang ibat ibang uri ng armas gaya ng isang submachinegun, M14 rifle, 11- 12guage shotguns, at anim na handguns.

Personal na tinanggap ni Police Brig Gen Romeo Caramat Jr, PNP Regional Director sa Caraga region, ang mga surrenderor.

Sa kasagsagan ng seremonya, sinunog ng mga rebel returnees ang hammer at sickle flag ng CPP NPA bilang simbolo sa pagtalikod ng mga ito sa communist ideology.

Nanumpa din ang mga returnees sa watawat ng Pilipinas.

NPA2 1

Ayon kay PNP Chief, Police General Debold Sinas na ang pagsuko ng 32 red fighters ay isang “significant development sa ongoing efforts ng PNP para i-promote ang localized peace advocacy ng government sa pamamagitan ng Regional Task Force to End Local Communist Armed Conflict (RTF-ELCAC).”

Inatasan ni Sinas si Caramat na ifacilitate ang tulong na ibibigay ng gobyerno sa mga sumukong CPP NPA.

Siniguro naman ni Sinas na magbibigay sila ng safe conduct pass sa mga rebeldeng susuko sa pamahalaan ng sa gayon makapiling nila ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong pasko at bagong taon.

Ayon kay alias Justin, tagapagsalita ng sumukong CPP NPA lubhang nahihirapan at nagugutom na ang kanilang mga kasamahan sa bundok.

Aniya, naenganyo sila sumapi sa komunistang grupo kapalit ng pagtulong sa kanilang mga pamilya pero hindi ito natupad.