Nakapagtala ang Pilipinas ng 32 bagong kaso ng mas nakakahawang Omicron subvariant na BA.5 ayon sa Department of Health.
Ayon kay Heath Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nadetect ang 21 kaso ng naturang subvariant mula sa Western Visayas, apat mula sa Calabarzon at apat ding kaso mula sa National Capital Region at 3 naman mula sa Central Luzon.
Sa mga kasong naitala sa Western Visayas, nasa 9 ang napaulat mula sa workplace cluster habang ang tatlong kaos naman ay mula sa household cluster.
Samantala, fully vaccinated naman na kontra sa COVID19 ang nasa 30 kaso , isa ang partially vaccinated habang ang vaccination status naman ng isang kaso ay beniberipika pa.
Nakaranas ang 22 kaso dito ng mild symptoms, 5 ang asymptomatic habang ang status ng iba pang cases ay inaalam pa.
Idineklarang nakarekober naman na ang 16 dito habang nasa 14 ang sumasailalim pa sa isolation.
Ayon kay USec. Vergeire, hindi pa natutukoy ang exposure ng mga indibidwal at inaalam pa kung ang mga ito mayroong travel history.
Sa ngayon, nasa kabuuang 43 na ang kaso ng omicron BA.5 subvariants sa Pilipinas.